Huwebes, Pebrero 21, 2013



Ang Bayan ng Bauan ay isang Unang Klaseng bayan sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2010, ang bayan ay may 81, 351 na populasyon.
Alam niyo ba, na pag ika’y pumunta sa Bauan, Batangas maraming ka matutuklasan na magaganda. Katulad ng mga laro sa bayan katulad ng patintero, piko , at marami pang iba ;at isa pa ay ang kanilang
mga hanap buhay katulad ng pagsasaka, pangingisda, at iba pa.

                      
 Pangingisda


             Ang pangingisda ay ang paghuhuli ng isda sa pamamagitan ng pamimingwit at pagbibitag. Maliban sa mga isda, maaari rin itong matukoy ang paghuli sa iba’t-ibang uri ng yamang-dagat tulad ng mga molusko, tahong, sugpo, pugita at palaka. Ang pangingisda ay isang gawain mula pa noong sinaunang panahon
    


Pagsasaka

          Ang pagsasaka ay isang uri ng gawaing panlupa. Ito ay tumutukoy sa gawaing pagtatanim at pag-aani ng mga halamang maaaring kainin, kabilang na dito subalit hinde
limitado, ang palay, mais, gulay atbp

          Ano nga ba sa dalawa ang mas magandang trabaho? Kung ating susuriin parehas na mahirap ang kanilang trabaho. Ang magsasaka ay nagtitiis sa init ng araw, maka-ani lang habang ang pangingisda  naman ay buwis buhay na pumupunta sa ginta ng dagat para maka-mingwit ng isda. Mahirap pumili sa dalawa pero nasa lugar iyan kung ating makikita dahil kung ang lugar niyo ay napapaligiran ng anyong tubig panigurado pangingisda ang mas magandang trabaho kung ang lugar niyo naman ay kapatagan ay pagsasaka ang mas magandang trabahaho.



 
Patintero 
  
           Ang Pantintero ay isa sa popular na larong pambata sa Pilipinas, na kalimitang nilalaro sa kalye. Kilala din ito sa tawag ng Tubigan o Harangang Taga. Maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat grupo. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat grupo bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat grupo.
             Ang bawat kalahok ng isang grupo ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo.
            Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang grupo. Ang mga tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang grupo.
            Ang unang grupo na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.

          Piko
              Ang Piko ay isang popolar na larong pambata sa Pilipinas. Karaniwan itong nilalaro ng mga batang babae at minsan naman mga batang lalake. Nilalaro lamang ito ng mga batang lalake pagnasa murang edad pa sila, Nilalaro ang piko sa labas karaniwan sa mga daan. Kailangan ng mga manlalaro na pumili ng pamato - ito ay isang bagay na ginagamit bilang pananda kung nasaan ang manlalaro ito ay maaring maging isang piraso ng bato o isang piraso ng basag na pinggan.
                Sa hugis ay dapat mayroong mga guhit na naghihiwalay sa iba ito ay maaring mga hugis kahon o parisukat. Ang mga parisukat na ito ay lalagyan ng mga numero para malaman kung alin sa mga ito ang pagkasunod-sunod na siyang tatalunan ng mga manlalaro.
               Kailangan gumuhit ang mga manlalaro ng isang geometrikong hugis sa daan gamit ang chalk o uling, pwede din ang puting bato.
               Mamimili ang mga manlalaro ng mauuna. Iba iba ang paraan ng pamimili nariyan ang maiba-taya at ang jack en poy.
 
        Ang Patintero at Piko ay ang maituturing  dalawa sa pinakamagandang laro sa Bauan, Batangas. Ngunit ano ng ang mas umaangat, ano sa dalawa ang mas maganda, ano ang mas masayang laruin. Iyan ang mga tanong na bumubulabog sa ating mga isipan. Ano nga ba ang mas magandang laruin? Para tayo mas maunawaan ito, ibigay natin ang kaibahan nito. Ang Patintero ay  laging nilalaro maging babae man o lalaki habang ang Piko ay mas karaniwan nilalaro ng mga kababaihan. Pati na rin ay ang patintero ay nilalaro ng grupo habang ang piko ay nilalaro bilang isang indibidwal.
           Oh, may napili ka na ba kung ano ang mas magandang laruin? Alamin naman natin ang aming sariling pananaw ukol dito. Para sa aming grupo ang pinakamagandang laro ay ang PATINTERO dahil kung ating susuriin mas marami kang makukuhang benepisyo kaysa sa PIKO dahil ang Patintero ay nakakapagbigay saya, ehersisyo, may “teamwork” at pati narin nakakasalamuha ka sa iba
      OH? TARA NA AT TUKLASIN NATIN ANG KAGANDAHAN NG BAUAN,BATANGAS 

Kung maari magiwan ng komento na naayon sa inyong nabasa at nakita sa blog na ito. Inaasahan na ang kumento ay may halaga. Maari rin mag komento ng inyong mga suhestyon. 

Itong blog po na ito ay para sa aming proyekto sa Filipino sana po matulungan niyo po kami sa pamamagitan ng pagcocoment ang isang comment po ay mahalaga .

MARAMING SALAMAT PO:)




47 komento:

  1. ok, you may start promoting your blog. please add more details and videos regarding to your topics.

    TumugonBurahin
  2. Batagas is really a beautiful place.. and this place is really productive.

    your blog is also nice :)

    TumugonBurahin
  3. ay masarap laruin ang mga iyan... lahat ng iyan nalaro ko. Maganda rin sa Bauan Batangas, dahil marami akong natuklasang magaganda doon

    TumugonBurahin
  4. Maraming salamat. Sa tulong ng inyong blog, mas nakilala ko ang kultura ng mga Batangueno.

    TumugonBurahin
  5. Ang ganda ng inyong blog sapagkat ipinapakita nito ang laro at ang kagandahan ng Batangas. Naalala ko tuloy ang aking pagkabata marahil kakaunting bata na lamang ang naglalaro niyan sa ating henerasyon ngayon. -Jaimarie

    TumugonBurahin
  6. MASAYA TALAGA MAGLARO NG MGA IYAN! Lalo na kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan. Yung tipong hindi niyo namamalayan ang oras na kayo ay magkakasama. :)

    Maganda ang inyong blog. Sana ay mabasa pa ito ng iba pang kabataan :D

    TumugonBurahin
  7. Grabe! ang saya talaga maglaro ng piko at ng patintero lalo na kung kasama mo ang mga tunay mong kaibigan! naaalala ko nga noong 5 years old pa ako, sobrang nag eenjoy ako sa paglalaro ng patintero! :)

    TumugonBurahin
  8. Nakakamiss maglaro nyan :) Sobrang saya maglaro ng patintero at piko lalo na pagkasama ang mga kaibigan mo :))

    TumugonBurahin
  9. masaya at nakakamiss talagang maglaro ng patintero at piko =))
    mahusay naman ang pagkakagawa ng blog. maganda yung mga designs. at may mga videos pa. so all in all,maganda yung blog nyo :)

    TumugonBurahin
  10. Good! Nice work! Di pa ako nakapunta dyan! Sabi nga nung iba, maganda ang mga laring inilagay nyo!!! HAYYYY! Childhood memories

    TumugonBurahin
  11. I'm from here so this blog is perfect! Napaka resourceful ng pagkakagawa ng blog na to.. full of information. If you have the time you can make a chatroom para mas open and they can converse their opinions. You can promote it in different social sites din para maging known. :)

    TumugonBurahin
  12. Gosh Patintero! Nakakmiss talaga maglaro niyan at yung piko, kahit saan ano lang makita mong pamato kahit gaano pa karumi yan game na game ako!

    TumugonBurahin
  13. Wow.. parang gusto kong pumuntang Bauan, Batangas.. Nice blog! :)

    TumugonBurahin
  14. Too many memories na nakakamiss sa lugar na'to, madalas kasi ako dito nong bata pa ako.
    Napakaganda ng mga tanawin, malinis na karagatan at sariwang hangin. Last2 week kakagaling ko lang dito. Sobrang relaxing talaga, nakakawala ng problema. Sobrang mababait pa mga tao dito, full of respect.

    @Colvo, Bauan Batangas

    TumugonBurahin
  15. I like your topic kasi maraming makakarelate and every child or person had experience also that kind of game. :)

    TumugonBurahin
  16. Batagas is really a beautiful place.
    I like your blog. :)

    TumugonBurahin
  17. I've never been to Bauan, Batangas.. So salamat sa mga helpful information that you've provided.. Sino bang di nakapaglaro ng piko at patintero sa generation ko?? Eh yan lang ang libangan namin noon.

    Two Thumbs Up !!!
    Keep Up the good work!!!

    TumugonBurahin
  18. Sa lugar ng Batangas, marami pa rin ang tumatangkilik sa ating mga nakugalian. Nakakalungkot na ang mga mag-aaral ng bagong panahon ay halos makalimutan ang mga naturang gawain. Sa kabilang dako, mabuti na mayroong mga batang nagsaliksik sa kagandahan ng Bauan, Batangas. Maging matagumpay sana ang inyong pagpupunyagi sa inyong pananaliksik

    TumugonBurahin
  19. Great job! Hindi pa ako nakakapunta sa Batangas at first time kong marinig o malaman yung lugar na Bauan sa Batangas :) Thanks for the information.

    TumugonBurahin
  20. Nice Blog. Napaka Informative at Creative. :)

    TumugonBurahin
  21. wow, may lugar palang bauan sa batangas? ang patintero ang paborito kong laro nung bata pa ako.

    TumugonBurahin
  22. wow ! , sobrang daming inpormasyong maaring malaman ukol sa bauan , batangas .. thanks for this blog ..

    TumugonBurahin
  23. nakakamiss maglaro ng piko at patintero... Maganda ang blog nyo dagdagan nyo na lang ng iba pang impormasyon at iba pang hanapuhay... :)

    TumugonBurahin
  24. hindi ko lang talga gusto ang mga glitter text pero maganda ang blog nyo :)

    TumugonBurahin
  25. Ang ganda naman pala sa Bauan, Batangas! =)))

    TumugonBurahin
  26. Ang ganda ! Ang dami kong nalaman tungkol sa Bauan , Batangas =)

    TumugonBurahin
  27. Sana ma pinalawak niyo yung mga hanapbuhay:) Pero overall maganda naman !

    TumugonBurahin
  28. Ipinamahagi nyo ng maayos ang mga impormasyon, mas maganda sana kung dinagdagan nyo pa ang mga hanapbuhay na makikita doon at ang mga paboritong laro ng kabataan na nagmula sa Bauan, Batangas. =)

    TumugonBurahin
  29. This blog is really informative! :) Ang daming nakalagay na info, pictures, and videos. Dami ko nang natutunan ^_^

    TumugonBurahin
  30. Napakahalaga ng blog na Ito lalo na as bagong
    Henerasyon. Most of the cities in the Philippines now are westernized, most if not all young people are focused into electronics that they fail to see the beauty and fun of local games. I still remember how we play piko and patintero with my sisters and cousins. It was a wonderful experience. I'm glad to know that there are still places in the Philippines that play those games .

    TumugonBurahin
  31. Great blog. Magiging lalong maayos kung uniform ung kulay nung font ninyo.

    TumugonBurahin
  32. :D Ngayon ko lang ulit natandaan ang mga larong yan. Nakakamiss pala noh? :)

    TumugonBurahin
  33. Nice! dahil sa blog niyo, namiss ko maglaro ng patintero. gusto ko na rin ma experience kung paano magsaka :)

    TumugonBurahin
  34. Nice! Dahil dito, naalala ko ang mga larong patintero at piko. Namiss ko sila at parang nagustuhan ko tuloy na pumunta sa Bauan,Batangas! :D

    TumugonBurahin
  35. miss ko na talaga ang mga larong pambata iyan lalo na ung patintero!!!pero nagandahan ako sa blog nio

    TumugonBurahin
  36. Akoy nahihikayat na pumunta dito , napakaganda :)

    TumugonBurahin
  37. Haven't been here. But I love to travel. Maybe this one would be another target on my hitlist. <3

    TumugonBurahin
  38. nice blog...may mga impormasyong nakakahikayat ng atensyon ng mga mambabasa katulad ng mga laro na nilalaro sa batangas

    TumugonBurahin
  39. ang ganda talaga ng mga larong pilipino dapat ipromote ito ng matutunan ng mga bata na ouro fb at gadgets nalang hindi ba??

    TumugonBurahin
  40. A great place to live life to the fullest

    TumugonBurahin
  41. Na-miss ko tuloy maglaro ng piko tsaka patintero. Nice blog. :)

    TumugonBurahin
  42. Ang saya maglaro ng patintero tsaka piko lalo na kung madami kayo.. :D

    TumugonBurahin
  43. Nice blog.. Thanks for posting some videos tungkol sa iba't ibang laro ng Pinoy at kung gaano ito kasaya maglaro ng larong ito :)

    TumugonBurahin
  44. Nice blog. Very informative! Dahil dito, may nalaman pa ako sa Batangas. Sana'y makapunta ako sa Bauan! :))

    TumugonBurahin